the “pating” monologue

pinakaayaw ko sa umaga ay ang nakakatunaw na sikat ng araw (lalo na kung

naglolotion ka).  sa mga sumasaya at naliligayahan sa papasikat na araw at

ang simoy ng hangin tuwing umaga, good for you.  ako, hindi.

kapag sinuwerte ka, makakasakay ka sa isang bus na na malamig talaga,

kaya kapag siningil ka ng ng 10 pesos mula boni hanggang ayala avenue

hindi mo mararamdaman na ninakawan ka. 

isang maiinit at nakakaantok na sabado papunta ako sa trabaho.  matutulog

sana ako sa bus pero narinig ko ‘yung driver at ang kunduktor na

nagkukwentuhan.

<ang haba ng introduction dito rin naman ang punta ng kwento ko>

kunduktor:  pare, taga saan ka?  <syempre yung driver kausap>

driver:  ako ba, pare?  taga-pangasinan ako.

kunduktor:  ‘di ba maraming pating dun?

driver:  ay, oo, pare.

kunduktor:  ‘di ba nangangain ng tao yung mga yun [pating]?  <duh?>

driver:  hindi naman lahat, pare,  mayroon din namang pating na antukin.

<sosyal>

kunduktor:  may ganun ba?

driver:  oo.  tawag sa mga iyon… <short pause> …pating na antukin.  <eh ‘yun

din sinabi mo manong eh>

kunduktor:  pero may nangangain din ng tao talaga, ‘yung mga pating na hindi

antukin?

driver:  ay, oo, pare.  pero namimili din sila [pating].  ang
madalas nilang kainin ‘yung mga mapuputi [ang balat], kaya nga ang dami

nang nakakain na porendyer <foreigner> sa amin.

kunduktor:  eh paano kung maputi ka talaga at hindi ka naman porendyer,

kakainin ka pa rin nila [pating]?

driver:  madali lang yan, pare.  <short pause>  magsuot ka lang ng medyas

na black. 

<sinong nagsabi na ang pinakamagandang paraan para makaiwas na makain

ng pating ay ang ‘di paglusong sa tubig.  mali ka.  sabi ni mamang driver, ang

pinakamainam na paraan ng pag-iwas upang ‘di makain ng pating ay ang

pagsusuot ng itim na medyas.>

<tuloy kwento>

kunduktor:  ganun ba yun, pare?

driver:  oo, ganun yun. 

kunduktor:  eh paano kung wala kang ‘di ka nakamedyas na black?

driver:  aba, sandali lang ‘yun, pare.  ‘di ba palapit na ‘yung pating sa iyo…

<anumated magkwento si kuya, for a while natakot ako na mabubungo kami>

driver:  …’pag papalapit na ‘yung pating sa iyo, pupuwesto ka lang, pare, ‘wag

ka magpakita ng takot.  titigan mo lang ‘yung pating.  <astigin!  tiger look ito>

tapos ‘pag tipong kakagatin ka na niya, suntukin mo lang ng malakas sa ulo,

uurong ‘yun, ‘di ka na makakain. <sana lang ganun kadali ‘yun, kamusta

naman ‘yun?>

kundukto:  oo nga noh?  basta mapuruhan mo lang.  <short pause>  eh ‘di ba

kinakain sa inyo ‘yung mga pating?

driver:  oo naman.  ang sarap kaya ng pating.

kunduktor:  eh ‘di ba kumakain ng tao mga yun?

driver:  oo.

kunduktor:  tapos kinakain niyo?

driver:  oo.

kunduktor:  eh baka naman may mga singsing at daliri ng tao ‘yun sa loob ng

tiyan.

driver:  naku, pare, pagdating sa bituka pareho din ‘yun.  gantihan na lang,

kumakain sila ng tao, eh di kakainin natin din sila [pating].

kunduktor:  ganun ba iyon?

driver:  ganun yun. 

rai:  manong, para po.

<’yun na yun.  ‘wag ka na umasa ng ending, tinatamad na ako>

One Response to “the “pating” monologue”

  1. Pseudo Kid Says:

    hahahaha.. punyetang pating monologue!!! hahaha.

Leave a Reply