DVD marathon (mga natutunan sa panonood ng piniratang pelikula)


dahil sa makabagong teknolohiya ng pagpipirata (at hindi ako proud na
sabihin ito), madali na ang makapanood ng mga mamahaling pelikula
ngayon.  sa pamamagitan ng isang pipitsuging kopya ng piniratang DVD,
napakadali na lang ang manood ng mga pelikula at kung anu ano pa.

ang pagkakataon na ulit-ulitin ang mga eksena (lalo na ‘yung mga
tipong naghuhubad ng damit — kasuotan, rather <ganun talaga>) at
ang ulitin ang mga linya na nagpapabago buhay at persepsyon mo bilang
nag-iisip na nilalang, gaya ng, "i’m good at the bull, no?" ng
charlie’s angels full throttle, ay maaari na nating ulit-ulitin at
ikasaya ng panandalian habang ang ating pagkasarap-sarap na lucky me
pancit canton <kunwari masarap> ay masaya rin namang
nagtatampisaw sa kumukulong tubig.

dahil din sa mga piniratang DVD, nalaman natin ang mga sumusunod na bagay:

1.  pangit lang ang ending ng shaider.

ang tagal nating hinintay noong mga bata pa tayo, kinagiliwan ang
"shigi-shigi" theme song, naghulaan kung ano ang kulay ng panty ni
annie <kaderder>,  ganun lang pala ang ending.

(para sa mga nagyayabang na napanood nila ang ending ng shaider sa
"Hero" channel at hindi sa DVD copy, good for you.  mas masakit kang
mamatay sa akin, swear)

trivia tungkol sa shaider:

- si ida (god officer poe) <or si "ngayon-din" girl> ay
lalaki talaga sa totoong buhay, and apparently, <wow, ingles>
kahit sa papel niya sa shaider.

source:  answers.com & domatoshi <kaibigan ko po ‘yung domatoshi>

- sabi ni domatoshi, namatay daw ang artista sa shaider, si alexis,
noon noon pa.  kaya sa mga nagpapantasya pa rin sa kanya, kawawa naman
kayo.  and besides, <wow, ingles na naman> "Si Hiroshi Tsuburaya
ay ipinangak noong 1964 Marso 8 at namatay noong 2001 Hulyo 24 sa edad
na 37." <kaderder, matanda na, patay pa..eeeewww>

source: http://tl.wikipedia.org/wiki/Hiroshi_Tsuburaya

(at kung dahil sa haba ng kwento ko ay nakalimutan mo na kung bakit
may number 2, ito ‘yun:  "dahil din sa mga piniratang DVD, nalaman
natin ang mga sumusunod na bagay:")

2.  hindi maaasahan pagdating (when it comes po, hindi po ‘yung
tipong arrival) sa pag-du-dub <hindi ‘yung kalapati, mga friendship,
dove po iyon> ang mga koreano (or kahit anong nasyon na singkit ang
mata.)

ulit.  magulo masyado. "hindi maaasahan sa pagdu-dub ang mga koreano."

lalo na ang pagsulat ng subtitle.  kung gusto magnoseblade, hanap ka ng kahit anong koreana novela pirated DVD.

marami ang excited sa panonood mga tv series gaya ng jewel in the
palace, princess hours, jumong, one percent (kung anu man ibig sabihin
nun), full house, at marami pang ingles na title na ‘di mo mawari kung
ano talaga ang ibig sabihin.

3.  ang "saw" movie series ay sobrang nakakadiri, ayaw mong kumain
sa loob ng isang linggo ng anu mang nag-uugnay sa laman, dugo, at kulay
pula.  maari itong gamitin ng mga nagdidiyeta para pumayat.

4.  ang "american pie" series ay isang malaking kalakaran ng
pagpapayaman ng mga producers.  ito para sa mga mangmang na manonood ng
amerika (at pati na rin sa pilipinas)

5.  ang pelikulang "night at the museum" ay cute<yes, kuya, cute
ang movie,  ‘yun lang.>  kung naghahanap ng mas malalalim na
kahulugan ng buhay, tigilan ang panonood nito at magbasa ng "one
hundred years of solitude" ni gabriel garcia marquez.  kaya isa ang
"night at the museum" sa mga pelikulang gusto kong pinapanood.
<lol>

6.  ang "curse of the golden flower" ay hindi tungkol dun sa sikat
na pangpahahid kapag may pilay <white flower po iyon.>  ito ay
tungkol sa pamilyang nagpatayan (considering royalties sila) at tungkol
sa mga cherry bloosoms kapalit ng 20,000 na pinatay sa imperial court.
hindi matatawaran ang production nito.

7.  sa pelikulang "the prestige" lang unang nakitang umarte si hugh jackman na parang hindi siya si wolverine sa "x-men" series.

8.  ang "deuce bigallow" series ay nakakatawa at hindi mo alam kung bakit.

9.  dalawa ang frontal nudity scene sa "fushigi yuugi." vaklah din
si tasuki (taski) at si hotohori.  nakakaiyak ang eksanang mamatay na
si nuriko (at vaklah din siya)

10.  bagay ni julia roberts ang magsuot ng mumurahing damit na
pinagmumukha siyang hostess.  i.e., erin brocovich and pretty woman.

11.  mukhang porn film ang 300 sa mga piratang DVD dahil ang pangit
ng kopya.  kung nasa sinehan pa ito, manood ka na dali.  tigilan mo
pagbasa nito, wala namang premyo sa dulo pag natapos mong basahin ito.

12.  nakakatuwang pagmasadan <may ganung hirit talaga?> ang
bida na si gaspard ulliel sa "hannibal rising" na wala kang pakialam
kahit cannibalism ang tema ng pelikula.  kung maaalala, ganito rin ang
mararamdaman tuwing nakikita si orlando bloom bilang legolas sa "lord
of the rings."

model pala si gaspard ulliel.  (kaya pala kahit basahan ang suot ay
mukhang a-aatend ito ng hugo boss photo shoot)  siya rin ang bida sa
pelikulang "a very long engagement."  <na hindi na namin napanood ng
kaibigan kong si van.  mah frend, kapilan taya alben ita?>

abangan ang mga nakakadiring pangitain tungkol sa mangyayaru
kapatid ni hannibal.  implied. implied. implied. kaderder. kaderder.
kaderder.

13.  ang pelikulang "apocalypto" ay kwento ng lalaking tumakbo ng
tumakbo habang namamatay ang mga humahabol sa kanya.  ito rin ay
tungkol sa isang asawa ng bida na nanganak sa ilalim ng tubig.
<kaderzing = amazing na kaderder>

trivia:

- hindi daw pwede kainin ang "testicles" ng isang tapir.
<duh…> (ang tapir ay hindi ‘yung nasa linya ng kanta ng sex
bomb, "apir" po iyon.)

- kamukha ng kapatid ko (si yong) ang bida sa apocalypto.

- noon pa man, bago pa madiscover ni columbus ang america, may mga
"nagging" biyenan na. <parang hindi nakakatawa ‘yung last trivia
noh? hayaan niyo na, pamparami din ‘yan>

14.  hindi ko pa pinanood ang "ghost rider" kaya wala ako sasabihin,  nabanggit ko lang kumbaga.

15.  ang pelikulang "babel" ay dapat panoorin ng lahat.  sama-sama
tayong mangarap na makikipaghiwalay si brad pitt kay angelina jolie
para makasama si gael garcia bernal.

sobrang ganda ng babel na hindi ko man susubukang i-review ito o
sabihan ng masama.  ang babel at ang mundo ay iisa.  <lol>

16.  ‘wag panoorin ang mga sumusunod:

- blood and chocolate (sorry, anne)

- dead people 2

- norbit

- primeval

sayang lang ang oras niyo, di naman maganda.

17.  nakakaboring ang "the departed," "english patient" <sorry,
van> at ang "dead poet’s society" na hindi ko pa ito natatapos.
marami ang nagsasabi na maganda ang mga ito, i’m yet to find out
<’yun ay kung matatapos ko>

18.  ang "eragon" ang kwento ng pag-iibigan ng isang dragon at ng isang cute na britano.  joke lang.

hindi rin maganda ang eragon.   pero kung gusto mong malaman kung
ano ang papel ni joss stone (’yung singer na kumunta ng "yeah, are you
diggin’ on me, yeah-hi-yeah <super duper love>), sige lang
panoorin mo.

hindi eragon ang pangalan ng dragon, ‘wag makulit.

19.  ang pelikulang "DOA:  dead or alive" ay isang over-rated
movie. 

20.  ‘di ka pa nagsawa? baka nga di ka na umabot na part ma ito eh.  uhmmmm.. kuya, yun na ending.. :D

3 Responses to “DVD marathon (mga natutunan sa panonood ng piniratang pelikula)”

  1. Pseudo Kid Says:

    hoi kuya RAI!!!!!!!! leche ka. hindi boring ang The Departed! at first mukha lang boring. ganun din naramdaman ko. pero sa kalaunan(wow!?!?!), maeexcite ka!!! pisti ka. panoorin mo yan ng seryoso. hehe..

    at maganda rin ang dead poet’s society!!! favorite ko rin yan! leche.

    i agree dun sa Babel.. sobrang ganda talaga nyan.(or baka exagg lang ako.) lalo na kung sa big screen mo pinanood. hehe. gawa ka ng lang ng homemade big screen. kuha ka ng projector and stuffs. hahahaha.

    un lang. hmp! napabasa naman daw ako ng blog mo no. haha. baliw ka lang. aylabsyu.

  2. van Says:

    clap clap :)

  3. rai Says:

    nagbabasa ka na ng blog ngayon,duke?

    and mah frend, ala mu.. thanks..:D

Leave a Reply