ito ay tungkol sa pelikulang “sunshine”
napakainit ng "sunshine" isang "sunday" ng hapon, nagyaya ang mareness.com <dabarkadz, puro bading> na magkita-kita. bago ako umabot ng megamall, para akong nag-marathon sa pawis, hindi ko pa mahanap ang powerbooks <kung saan ko daw sila imi-meet> sa ‘di malamang dahilan, kamusta naman ‘yun? kaya, hayun, super hanapan ang nangyari. nakita din naman nila ako after 20 minutes. nadatnan nila ako sa timezone, nagpapalamig at nanonood ng mga osong walang habas na pinapana sa isang video game.
<para lang ma-introduce ng maayos na tungkol ito sa pelikulang "sunshine">
marami naman kaming pwedeng pagpilian na pelikula noong "sunday" na iyon eh.
– 300 <na kung sakali okay lang na panoorin ulit. mga two months na itong showing.>
– norbit <na ‘di naman nakakatawa, swear.>
– miss potter <renee zellweger movie, so ‘di na question kung dapat panoorin.>
– ang cute ng ina mo <na maraming gap ang mga nakakatawang moments, na halos kay eugene domingo lang at kay lucky; na pinanood na namin ng mga "for we" friends.>
– kangkong <joke lang.>
– premonition <na may cute na movie poster. puno, ibon, tuyong dahon, tapos si sandra bullock na ‘yung nabuong face. kaderzing!>
– at mga iilang movies na hindi mo na nga pinanood, ‘di mo pa maalala kung ano title.
pero, sa ginuhit na tadhana naming apat, napili <parang nagpagkasunduan> na ang papanoorin namin ay "light" movie lang daw. kung anu meaning ng "light," itatanong ko pa lang kay otso.
hindi pa rin namin matukoy kung sino ang pumili talaga ng "sunshine." pero hindi ako pumili ng "sunshine" <i was leaning for miss potter.> hindi rin si uro <dahil gusto niya panoorin ang cute ng ina mo.>
so ang suspect na lang sa pagpili ng "sunshine" ay si toshi <na wala daw pakialam kahit ano panoorin, basta malamig daw dapat sa loob ng sinehan at basta magagamit daw niya dapat ang kanyang SM advantage card>, at si otso <na nauna ng sinabi nang pasimple sa akin sa gusto niya panoorin ang "sunshine.">
gamit ang HP 100 pesos movie pass na binigay <or ninakaw ko> kay babe <lamey>, at kanila-kanilang pera at advantage card ni toshi, pumasok kami sa cinema 8 ng megamall dala ang pag-asa na: malinis ang banyo, may cute na makakasalubong, at malamig sa loob.
bago pa mag-umpisa ang movie, mga sampung beses ko na nasabi kay otso na may bugbog siya sa ‘kin kung ‘di ko magugustuhan ang "sunshine."
<ang tunay na pakay ko sa pagsulat ng blog entry na ito ay ‘yung next line na talaga.>
"sunshine"
<sasabihin ko ‘yung ending at ikukwento ng detalyado, bahala ka, makulit ka eh.>
mag-uumpisa ang pelikula sa isang madamdaming voice over, habang naglalayag malapit sa araw ang spaceship icarus 2 <kung ‘di mo ma-imagine ‘yung spaceship, para itong nakatagilid na mushroom>
namamatay na daw ang araw, blah, blah, blah, at 2057 na daw. <naku, ang tatanda na natin sa panahon na ‘yun> at siyempre, ambisyoso ang tao, bubuhayin daw ‘yung araw sa pamamagitan ng pagpapabog sa araw gamit ang isang pagkalaki-laking "bomb." sinlaki daw ng kansas ang "bomb." (gaano kalaki ang kansas, anyone?)
seven years ago, sinubukan na nilang magpadala ng nakatagilid na mushroom. pero obviuosly, hindi naging matagumpay ang plano. kung bakit pumalpak, marami pwede maging dahilan. unang naisip ko ay na-heat stroke ang mga sakay ng mushroom.
maganda naman ang paglalakbay ng walong lulan ng mushroom <paki mo ba, gusto ko mushroom tawag ko sa spaceship, ‘wag mo basahin kung naiirita ka, echusero!>
maayos naman silang naglalayag, at parang kalalagpas lang nila sa venus. maganda ang buhay nila: may psychologist <yata> <para siguro ‘di mahomesick,> may mga lutuan <super kain ang lahat gamit ang plastic na utensils>, may tamim din mga gulay at kung anu-anong kulay green si corazon <michelle yeoh, ‘yung sa crouching tiger, hidden dragon> magaganda ang gamit na computers, at ang pinaka sosyal, voice command ang computer ng icarus 2, i.e. "icarus, penge tubig." <joke lang>
magugulo ang lahat kapag nadiskubre ang icarus 1 <’yung 7 years ago na mushroom na pinadala>, na malamang daw ay umandar pa ito.
magdedebate ang lulan ng icarus 2 kung susubukan daw ba nilang kunin ang "bomb" na nasa icarus 1 or tuloy sa plano <meaning, diretso sa sun, wala ng detour.>
eh kaya lang, mas malaki raw ang pag-asang magtagumpay ang plano kung gagamitin din yung "bomb" na nasa icarus 1. at dahil daw kulang sa oxygen ang icarus 2, may chance daw na mayroon pang oxygen sa icarus 1. at baka may mga survivors pa raw, kaya kailangan daw (kung buhay pa) sagipin ang mga "survivors." <nagdadahilan ka pa eh!>
hinayupak na mga tao talaga, gagawa ng pagkalaki-laking spaceship, high-tech na gamit, nagsasalitang computer, bakal na pwedeng ‘di matunaw kahit malapit na sa araw, umiikot na kutsilyo, at mga virtual reality pod, pero kulang sa oxygen? kamusta naman ‘yun? kamusta naman ‘yun? (at ‘yan ay dahil aksidenteng nasunog ang garden ni corazon) pambihira.
so, ganun na nga nangyari. pagbigyan na natin. buo pa ang icarus 1, kulang sa oxygen ang icarus 2, at patay na ang kapitan ng icarus 2 na si kaneda <hiroyuki sanada> matapos masunog sa init ng araw habang nagpapalit ng "hydraulics" sa medyo nasirang "protective shields" sa labas ng mushroom <katangahan lang, basically.>
mahahanap ang icarus 1. (kamukha lang talaga nung icarus 2, swear) papasok ang apat na crew. may mangyayaring ‘di maganda, hanggang sa kailangan ng apat na umalis sa icarus 1 kung hindi mamatay sila.
mamatay ang dalawa sa crew, at mabubuhay lang si mace <chris evans, ‘yung wafung wafung human storch sa fantatic four> at si capa <cillian murphy, ‘yung wafung blue-eyed kotrabida sa red eye.>
apat na lang ang crew ng mushroom matapos magpakamatay ng isa. pero. pero! pero! kulang pa rin sila sa oxygen para man lang ihatid ang "payload" <’yung "bomb"> pambihira! nagpakamatay na ‘yung isa niyan ah.
nagpakamatay si trey <benedict wong> para makatipid sa oxygen ang apat (at dahil naguilty dahil siya may kasalanan kung bakit nasira ‘yung mga protective shields) <remember, captain kaneda, patay, hydraulics?>
madagdagan ang problema ng malaman ni capa na may isa pang sakay ang icarus 2. "unknown" ang tawag ng computer sa panglimang tao sa icarus 2. syempre, ang mga nananonood, mag-iisip, "sino kaya yun? baka taga ibang planet?"
syempre hindi. isa siya sa sakay ng icarus na nagsabotahe ng naunang plano. balak ng mukhang tocino sa pagkakasunog sa araw na ulitin ang ginawa sa icarus 1 sa icarus 2. kung sino siya sa totoong buhay, ‘di ko alam <malamang ‘di sikat.>
patapos na ang pelikula ‘pag lumitaw si tocino man. una, ikukulong niya si capa sa isang section ng mushroom. sa mga panahong iyon, nagsesenti si corazon dahil may nakita siyang nabuhay na halaman. kung matatandaan, nasabi ko na nasunog ‘yung garden, di ba? so itong corazon sasaya ngayon. may pag asa na sila makauwi, ‘yan ang kung magkakaroon sila ng oxygen galing sa halaman. kaya lang may mangyayari.
gamit ang umiikot na kutsilyo, sasaksakin ni tocino man ang noo’y nakatalikod at nagsesenti pa ring si corazon. patay si corazon. <so much for hoping, corazon. better luck next time.>
mamatay si mace habang nagsu-swimming sa cooler ng mga computers ng icarus 2. <at least ‘di siya pinatay ni tocino man>
maghahabulan si tocino man at si cassie <rose byrne, ‘yung girl na pinusit ni brad pitt sa troy> sa loob ng "bomb."
recap: captain, patay. corazon, patay <at hawak ‘yung plant.> trey, nagpakamatay. ‘yung dalawang ‘di ko sinabi, patay na din. mace, patay.
number of patay members: 6
number of original crew member: 8
number of tocino man: 1
number of survivors <up to this section>: 2
so dalawa na lang ang buhay. at buhay pa si tocino man. naku, exciting ito. <kunwari>
maghahabulan ang tatlo sa loob ng "bomb." mamatay si cassie. at mag-uusap si tocino man at si capa. hindi raw dapat pinakekelaman ang kagustuhan ng diyos kung mamatay na ang araw. nakausap daw niya ang diyos. <interpretation: sira-ulo si tocino man>
dahil si capa na lang natirang buhay, eventually, magagawan din niya ng paraan para sumabog ang "bomb" at magtagumpay ang plano.
masusunog si tocino man. haharapin ng buong tapang ni capa ang kamatayan at masusunog din <pwede umiyak sa part na ito, sayang ang happy birthday, pare.>
at sa ending, ipapakita ang pamilya ni mace na nasa frozen australia. sisikat ang araw, at parang walang nangyari. sasaya ulit ang mga tao ng hindi man lang makikilala si tocino man at kung anu ang nangyari sa hawak na halaman ni corazon. the end.
matapos naming panoorin ang "sunshine," sinugod si otso sa ospital dahil sa pagkakabugbog.
ang "sunshine" ang pamborito kong pelikula so far. <insert sarcasm here.>
April 20th, 2007 at 6:43 am
ahahahaha….hayooof ka mare….kelngan tlga gulpihin si ocho?????…..