halika, mag-bus tayo sa EDSA
ang bus ride. isa itong simbolo ng isang paglalakbay sa buhay, mga
pangarap na pinatutunguhan <o hindi rin,> maganda rin itong
pagkakataon para makita ang maraming kawirduhan at lakas ng loob ng mga
taong sumasakay ng bus.
mga naranasan ko na sa mga bus sa EDSA
– hindi pareho-pareho ang lamig. may mga tipong nakaka-comatose
ang lamig, at may iilan naman na tipong kahit nakalagay ay "aircon" ay
para kayong mga taong sinelyahan sa isang malaking kahon at wala kahit
isang hininga ng hangin.
- may mga "three-seater" kuno na bus na minsan dalawa nga lang masikip na.
– umiiwas ang marami sa parte ng bus na kung saan may nakaangat na
bahagi sa ilalim na upuan, na kapag umupo ka, nakatiklop ang mga paa mo
na para kang sanggol sa sinapupunan ng bus. (yes, ng bus, kala mo typo
‘yan noh? echusero!)
– may iilang wirdong tao na may lakas ng loob na magdala ng mga sumusunod:
* mga segunda manong electric fan. (kung paano nakalabas ang mga
tao nung "standing only" na sa bus, good luck sa kanila. nakaupo ako
noong mga panahong iyon.)
* mga monitor ng computer at pagkalaki-laking CPU.
* mga groceries at madaming madaming bag ng mga pinamili. (magyayabang na rin, magtaxi ka na)
* mga antena, oventoaster, mga basong pang-halo-halo.
* mga manok na panabong. (’pamatay yun.)
* mga mabalahibong pusa na may mamahaling ribbon.
* mga maletang pang-japan. (imagine na lang, kuya, ‘di ko madescribe, swear.)
* dalawang tray ng itlog
* mga tutang (na sigurado ko ay askal lang)
* aquarium (’yung malaki talaga, promise)
* mga bangang (vase, kuya, vase, try to keep up) may nakatusok na fake flowers.
* mga water fountains (’yung mga nilalako sa daan.)
* mga full-body mirrors
* magtataho (kasama ‘yung buong gamit niya para magtinda) <kamusta naman yun?>
*
mga rabbit, ibon, at dagang costa na sinilid sa binutas na kahon ng mga
naka-tetra packed na juice, i.e., Zesto. (magpasalamat sa free
advertisement)
– at kung suswertihin ka, minsan naman ay nakakatuwa ang mga
pinag-uusapan ng kunduktor at ng drayber. see: the "pating" monologue
http://axis_yuri.blogs.friendster.com/my_blog/2007/03/the_pating_
mono.html
<’di talaga ako marunong mag-hyperlink something something, sensyaness.>
– at kung ‘di mo pa napansin, tapos na itong kwento ko.*