halika, mag-NLEX tayo
tuwing uuwi ako ng pampanga, may mga panahon na pahirapan ng bus
pauwi ng probinsiya. may tipong dalawang oras ng paghihintay, pero
wala talagang dumadaan na airconditioned bus. bago may dumating na
bus, kaibigan mo na ‘yung kasama mong naghihintay din ng masasakyan.
marami kung tutuisin ang mga bus papuntang probinsiya, pero, ang
siste, hindi airconditioned ang mga ito at, kadalasan, ang mga
nakasakay dito ay mukhang mga dadalhin sa koreksiyonal dahil hinatulan
ng pagtutulak ng droga at nanggahasa.
minsan, ‘pag pahirapan ng bus, sumasakay ako ng regular bus. mainit,
mahangin pagdating sa NLEX (tipong mahirap huminga), at maingay, at
kung suswentihin ka, may nanay pang nagpapasuso ng sanggol
<eeewww>, at minsan nakasalang ang mga Betamax na pelikula ni
Lito Lapid at FPJ.
minsan may nasakyan din ako na regular na bus na kung saan talagang
kinabahan ako. nakaidlip ako sa bus. paggising ko, napansin kong hindi
kami dumaan sa NLEX. naisip ko baka kinikidnap kaming iilan (kasi
karamihan ng mga nakasakay sa bus, tipong ‘yung matingnan mo lang
sasaksakin ka sa tagiliran at kukunin ang mumurahin mong cellphone.)
nalaman ko na lang kung nasaan kami nang maglakas akong loob na
magtanong sa katabi ko, na sa natantadaan ko, ay kamukha ni ace vergel
<’yung artistang mas sumikat sa tsongke kaysa sa mga pelikula
niya.>
dumadaan daw kami sa pamosong mcarthur highway.
FYI: sa mga hindi nakakaalam ng mcarthur highway, ito ay ‘yung madalas tawaging, "basta hindi ‘yung NLEX, ‘wag ka makulit."
so, ‘yun nga, dumaan pala ito sa parte ng mcarthur highway sa
bulacan. ang mangyayari kapag hindi dumadaan ang mga bus sa NLEX,
tipong lahat ng nakatira sa bulacan parang ihahatid niyo ng personal sa
kani-kanilang bahay. may mga pagkakataon pa na may lumagpas pa at
kinailangan pa ng driver na ibalik ang bus para ihatid ang mangmang na
pasahero.
kaya ngayon, kahit regular bus man ang sakyan ko, lagi ko tinatanong sa kunduktor, "dadaan naman siguro ito ng NLEX noh?"
at ang madalas isagot sa akin ng mga kunduktor, "syempre. alangan
naman dumaan tayo ng mcarthur highway?" kulang na lang sabihan nila
ako ng "duh????"
well, kuya kunduktor, kung nababasa mo ito, magsilbi sana itong
pagpapatotoo na, oo, sa kasamaang-palad, may dumadaan na bus sa
mcarthur highway imbes na mag-NLEX.
kung bakit iba ang itsura ng mga nakasakay sa isang aircondiioned
bus at isang regular bus, hindi ko alam. ang alam ko lang, malaki ang
pagkakaiba ng mga pasahero nito sa maraming bagay.
ganito ‘yan…. <enchanting music plays>
A. merienda sa bus na kinakain habang nasa biyahe:
pasaherong nasa airconditioned bus:
* softfrinks
* mamahaling chips
* pagkamahal-mahal na C2
* et cetera.
pasaherong nasa regular bus:
* tinapay
* banana-Q
* samalamig.
* atbp. <sa mga mangmang, atbp = at iba pa>
B. pasalubong na dala para sa kaanak:
pasaherong nasa airconditioned bus:
* mga naka-paper bag na
damit galing sa mamahaling boutique <hindi po maliit na french
lizard, "boutiqwah" po iyon.>
* mga zoidz <uso pa iyon ngayon?>
* cellphone
* et cetera.
pasaherong nasa regular bus:
* mga nakakatakot na manikang kulay orange
* mga robot-robotan na nakakatakot din
* mga unan na korte at mukhang winnie the pooh (pink nga lang ‘yung kay manong)
* ang paborito kong makita, mga pagkalaki-laking lata ng biscuit. <tipong parang more lamay, more fun ang laban>
* minsan pasalubong ‘yung sobrang sitsaron <or is it
chicharon? ano right spelling, anyone?> na may suka <vinegar,
kuya, though pwede rin ‘yung iniisip mo ngayon>
* atbp.
<pause.>
tanong.com: bakit ka kakain ng chicharon na may suka sa bus?
<blog resumes here.>
C. mga dalang bagahe:
pasaherong nasa airconditioned bus:
* bag lang na may lamang damit.
* minsan kahit bag wala nga eh.
pasaherong nasa regular bus:
* mga malalaking bag na sira ang mga zipper at may nakalagay na tatak ng mga sigarilyo, pulbos panlaba, mga mumurahing tsokolate
* mga buhay na manok
* mga gulay <akala niyo sa pelikula lang ‘yun, totoo yun.>
* mga buhay na alimasag <or is it talangka? ‘di ako sure. ano nga ba ‘yung tawag sa malaking crab?>
* mga kaing-kaing ng saging
* mga buslo ng manga
* mga malalaking kahon (kung saan gagamitin, ewan)
* kasama na rin diyan ‘yun mga pasalubong sa mga kaanak. See: "section B. pasalubong na dala para sa kaanak"
* atbp.
D. mga pinag-uusapan habang nagbibiyahe: <’yan ang kung may kasama siya. masama naman kung mag-isa siya nagsasalita, baliw.com>
pasaherong nasa airconditioned bus:
* trip to boracay
* paano ipapaayos ang nabasang <got wet..hehe> iPod
* kung naka-sale sa Folded & Hung
* kung ano ang pinakabagong iMax movie
* gusto ng venti Starbucks
* maganda ‘yung bagong hand bag ng officemate niya
* pera, pera, at marami pang pera.
*et cetera.
pasaherong nasa regular bus:
* mga naglelabor na kamag-anak
* nabaril na kapit-bahay
* kanino pwede mangutang
* mga nagjapan na pamangkin
* sinong buntis sa showbiz
* regine velazquez at pagpatol na naman sa may asawa
* mga nagdrugs na kapatid
* awayan sa lupang sinasaka at kanino pwede magbenta ng buntis na kalabaw
* paano sumali sa Taktak Mo o Tatakbo portion ng Eat Bulaga
* kung nagparetoke daw ba ‘yung isang EB babes
* bakit daw ang laki ng mammary gland nung isang sexy starlet <duh?>
* paano makakapag-asawa ng "porendyer" para yumaman,
* kahirapan, kahirapan, kahirapan, at marami pang usapan tungkol sa kahirapan
*atbp.
kaya nga sa susunod na sumakay ka ng bus, mag-isip isip ka, daraan
kaya ito ng mcarthur highway? may makakatabi ka bang kandong-kandong
ang pagkalaki-laking lata ng biscuit?
at bilang pangwakas, taimtim tayong magnilay-nilay na sana….na SANA…. mabunot ka na sa Taktak Mo o Tatakbo portion ng Eat Bulaga.
sabi nga ng isang nakasabay ko sa elevator na nagjojoke sa kasama
siya, ‘Itataktak ko na talaga ‘to, dahil gusto ko magmukhang
gago!!!!!!!!!!!!!!!!!woohhooooo!!!!!!!!’
<bumenta naman joke niya sa ‘kin, in fairness>
<end.>
June 12th, 2007 at 12:53 am
…panalo.com hehe asteg man!