pare pare lang
pare 1: oh, san ka galing?
pare 2: nag-CR lang.
pare 1: oh, bakit ang tagal mo?
pare 2: eh maraming tao kanina eh.
pare 1: nahihiya ka, ganun?
pare 2: hindi.
pare 1: ahhh…
pare 2: anong "ahhh…"?
pare 1: wala lang.
pare 2: ah..
pare 1: anong "ah.."?
pare 2: wala lang.
pare 1: eh bakit parang may kausap ka sa loob kanina.
pare 2: ah, si ano ‘yun.
pare 1: sinong ano?
pare 2: si… ano nga ba pangalan nun?
pare 1: lucky?
pare 2: hindi, gagu. aso ko ‘yun eh.
pare 1: eh sino nga yun?
pare 2: nirerecall ko na. maghintay ka.
-o-
pare 2: ah, si <insert name here> ‘yun.
pare 1: oh, napano daw?
pare 2: wala namang sinabi.
pare 1: nagsalita lang kayo ng kanya-kanya, ganun?
pare 2: parang ganun.
pare 1: eh ano nga napag-usapan?
pare 2: tinatamad ako magkwento.
pare 1: eh bakit ang tagal sa banyo?
pare 2: aba, malay ko.
pare 1: baka naman hinihintay ka bumalik?
pare 2: sira.
pare 1: eh bakit nga ‘di pa lumalabas?
pare 2: sandali nga, hinihintay ba natin siya?
pare 1: hindi.
pare 2: eh ganun naman pala.
pare 1: sandali lang.
pare 2: tara na. baka naglilipsgloss pa ‘yun.
pare 1: naglilipgloss siya?
pare 2: oo.
pare 1: sigurado ka?
pare 2: oo, nakita ko siya kanina.
pare 1: eh ‘di bakla siya?
pare 2: ang babaw mo.
pare 1: eh bakit siya maglilipgloss?
pare 2: aba, malay ko.
pare 1: naglilipgloss siya?
pare 2: oo nga sabi eh.
pare 1: kaya pala…
pare 2: anong "kaya pala…"?
pare 1: bakla ‘yun.
pare 2: parang ‘di naman.
pare 1: bakla ‘yun.
pare 2: parang ‘di naman nga sabi eh.
pare 1: eh bakit naglilipgloss?
pare 2: aba, malay mo naman baka nagkacrack ‘yung labi sa lamig.
pare 1: bakit, pasko na ba?
pare 2: malapit na rin ‘yun, kaya nga naulan na, ‘di ba?
pare 1: napansin mo ba kung may glitters ‘yung lipgloss niya?
pare 2: aba, malay ko.
pare 1: dali, pasok ka, tingnan mo.
pare 2: at bakit ko naman gagawin yun?
pare 1: basta, sumimple ka lang.
pare 2: ikaw na lang kung gusto mo.
pare 1: sa tingin mo bakla siya?
pare 2: malay ko.
pare 1: bakla ‘yun…
-o-
pare 2: hindi, ginagago lang kita. actually, ex ko yun. cute niya ngayon, in fairness.
pare 1: penge naman number niya.
…end