Kakatwang Babasahin (Issue 1)

Mga headline sa kakatwang babasahing “Abante” September 18, 2007 Issue.

“2 desperada nagsuicide”

Ayon sa ulat, “depresyon sa buhay” ang naging dahilan ng dalawang ginang ng tahanan para magbigti. 

Tanong:  Depresyon sa buhay?  Ano kayo highschool students?

“Anak ni mayor patay sa crossfire”

Kung babasahin ang headline, nakatuwang mas sikat pa talaga si “mayor” kaysa sa namatay na anak.

Tanong:  Pakitagalog po ang crossfire.

“4-ayos nabaril sa ulo”

Nang makita ko ang headline na ito, umasa talaga ako na isusunod ang mga katagang “…5-anyos na siya ngayon, buhay pa rin.”

Tanong:  Maganda bang basahin kung, “4-anyos nabaril sa bukong-bukong, bwala! Achilles na siya!”  <para sa mga mangmang na hindi nakakuha ng joke, pasensya na po, baduy.com>

“walang pinoy sa plane crash”

Madami ako hirit sa headline na ito.  Try natin ang iilang version ng headline na ito ‘pag dinagdagan.

Walang pinoy sa plane crash, sayang!

Walang pinoy sa plane crash, pero isisusulat ko pa rin na balita.

Walang pinoy sa plane crash, Filipino meron (eh sosyal ako, bakit ba?)

Walang pinoy sa plane crash, ‘wag makulit, na double-check ko na!

Walang pinoy sa plane crash, kasi wala namang nag-crash na plane, adik!

Walang pinoy sa plane crash, “porendyer” meron.

Tanong:  Bakit parang poem ‘yung mga sinulat ko sa taas? LOL

“32-oras walang tubig!”

Ito marahil ay isang reklamo ng isang taong tumawag sa Nawasa <paano ba sinusulat ‘yun?  NAWASA?  NaWaSa?  NawaSA? LOL.>  Tumawag siguro ang noo’y pagkabaho-baho ng customer at sinigawan ang operator ng “32-oras walang tubig!”

Dagdagan natin ulit, gaya ng dati, ang headline. <Or dadagdagan ko, basahin mo ‘pag na-post ko na ito, adik!>

32-oras walang tubig, pero keri lang.

32-oras walang tubig, at paksyet kayong mga naligo na!

32-oras walang tubig, pero nagdidilig pa ng halaman ang hinayupak naming maid, at ang masama pa, plastic ang mga halaman sa bahay. <At ito na yata ang pinakamahabang headline noh?  Nawili ako, pasensya na.>

Tanong:  Baka naman naputulan ka lang ng tubig?

“unang trainer ng pacquaio pumanaw”

Ito naman ang halatang naisulat lang na nasa isip ng sumulat “Dapat magrhyme ka! Dapat magryhme ka! I compel you! With power of Christ, magrhyme ka!”

Tanong:  Wala ng tanong tanong! I hate you, Pacquiao!

“tinodas sa araw ng birthday”

Pansinin ang pagka-redundant ng headline na ito:  “araw ng birthday.”

Tanong:  Ano kaya ang handa niya nun?

“Bawal:  katas ng nganga”

‘Wag na nating pansinin ang malaswang konteksto ng paggamit ng isang salita.  Pwede itong pelikula sa isang pito-pito film.  <Ang mga pito-pito film ay ang mga muling nausong pelikula noong late ‘90s na may pagkaliit-liit ng budget; mga pelikulang nagpapakita ng kahalagahan ng mga kababaihan at kalalakihan sa kalakaran ng laman at ang kani-kanilang kadramanhan sa buhay habang sumasabak sa masalimuot at mapawis na buhay ng prostitusyon.>

Tanong:  Nasaan na si Leordo Litton? LOL

“todas sa dambuhalang bato”

Ito ang personal favorite ko.  Okay, so, alam na natin na may namatay <todas = death.>  Ang kailangan na lang nating problemahin ngayon ay kung sino ang namatay, at bukod sa lahat, ano ang “dambuhalang bato.” 

Tanong:  Sa tingin mo ba complete sentence ang “todas sa dambuhalang bato”?

“10 bangkay itinapon sa ilog para makatipid sa cremation”

‘Di gaya ng nakaraang headline, super kumpleto naman ngayon ito.  Talagang pinapaliwanag kung ano ang nangyari sa 10 bangkay, kung saan nangyari, at kung bakit ganun ang nangyari sa kanila.

Ano ang nangyari sa 10 bangkay?  Sagot:  Itinapon

Saan itinapon ang 10 bangkay?  Sagot:  Sa ilog

Bakit itinapon ang 10 bangkay sa ilog?  Sagot: Para makatipid sa cremation.

Tanong:  Pwede naman yatang ilibing na lang, kuya?

Bilang pahabol, nakita ko minsan sa isang ginagawang gusali ang napakalaking karatulang may nakasulat na:

“this site will rise carwash and parking.”  Natuwa ako kasi napakaganda ng pagkaka-lettering ng makita ko, tipong sadyang pinaghirapan para malagay ko sa blog entry na ito.*

Leave a Reply